Umaabot sa dalawandaang libong (200,000) Pilipino ang namamatay kada taon dahil sa alta presyon.
Batay sa datos mula sa Department of Health o DOH, pumapalo sa labing dalawang (12) milyong Pilipno ang mayoong alta presyon at halos kalahati o apat (4) sa limang (5) Pinoy ang hindi alam ang kanilang kundisyon.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, maituturing na high risk at walking time bomb ang isang tao na mayroong hypertension dahil anumang oras ay puwede itong umatake at magkaroon ng kumplikasyon sa puso at iba.
Hinikayat ni Ubial ang taongbayan na ugaliing magpakuha ng blood pressure sa mga health centers.
By Len Aguirre |With Report from Aya Yupangco