Makikinabang ang mahigit 200,000 na Persons with Disabilities (PWD) sa cash-for-work program o BUHAYnihan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD secretary Erwin Tulfo, layunin na bigyan ng tulong ang mga PWD upang may panggastos sa kanilang pangangailangan sa araw-araw.
Nakakatanggap anya ng bawat PWD ng iba’t ibang halaga ngunit depende sa araw ng kanilang trabaho.
Iginiit ni Tulfo na mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang konseptong ‘BUHAYnihan’. —sa panulat ni Jenn Patrolla