Handang maglabas ng 200 milyon pesos ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na maglabas ng mula sa kanilang quick response fund, bilang tulong sa mga Local Government Unit (LGU) na apektado ng malakas na lindol.
Ito ang sinabi ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge Senior Undersecretary Jose Faustino, Jr. sa pagpupulong ng NDRRMC, kasunod ng nangyaring lindol na naka-sentro sa Abra kaninang umaga.
Ayon kay Faustino, naghihintay lang ng abiso ang NDRRMC mula sa mga LGU para maproseso ang pondong kakailanganin nila.
Nagpapatuloy naman ang isinasagawang assessment ng NDRRMC sa epekto ng lindol sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon.