Sinimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang Pop Cen 2015, o ang Census of Population para sa taong ito.
Ayon sa PSA, nagpakalat sila ng 90,000 census enumerator sa buong bansa para mangalap ng mga pangunahing impormasyon ng mga mamamayan, hanggang sa susunod na buwan.
Kasama sa mga kakailanganing impormasyon ng census enumerator sa kanilang 15 hanggang 30 minutong interview ay ang edad, kasarian, relihiyon, marital status, educational attainment at ang kasalukuyang trabaho ng miyembro ng bawat tahanan.
Kaugnay nito, hinimok ng PSA ang publiko na makiisa sa mga Pop Cen 2015, at tiyakin na mayroong lagda ni Dr. Lisa Grace Bersales, ang National Statistician at Civil Registrar General ng PSA, ang mga ipapakitang ID ng census enumerator.
By Katrina Valle | Jonathan Andal