Inilabas na ng Korte Suprema ang listahan ng mga pumasa sa 2016 bar examination.
Ayon sa SC, mataas ang passing rate ngayong taon na nasa 59.06 percent mula sa 26.21 percent noong 2015 bar exams.
Katumbas ito ng tatlong libo pitongdaan at apatnaput pitong (3,747) law graduates na pumasa mula sa mahigit animnalibot dalawandaang (6,200) kumuha ng naturang pagsusulit.
Nasa dalawanlibo limandaan at siyamnaput pito (2,597) naman ang lumalabas na hindi pinalad na makapasa sa bar exam.
Nanguna sa 2016 bar exam si Karen Mae Calam ng University of San Carlos sa Cebu na nakakuha ng average na 89.05 percent.
Sinundan ito ni Alanna Gayle Ashley Khio ng Silliman University.
Pumapangatlo sina Fiona Cristy Lao ng University of San Carlos at Athalia Liong ng Andres Bonifacio College.
Pang apat si Allana Mae Babayen-On habang panglima si Justin Ryan Morilla ng Ateneo de Davao University.
Pasok din sa top ten sina Mark Dave Camarao ng Northwestern University, Anne Margaret Momongan ng University of San Carlos, Jefferson Gomez ng University of San Carlos, Nia Rachelle Gonzales ng University of Batangas, Marie Chielo Ybio ng Silliman University at Andrew Stephen Liu ng Silliman University.
By Ralph Obina with report from Bert Mozo (Patrol 3)
2016 Bar exam results inilabas na was last modified: May 3rd, 2017 by DWIZ 882