Inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Beningo Aquino III ang P3 trilyong pisong panukalang pondo para sa susunod na taon.
Inanunsyo ito ni House Speaker Feliciano Belmonte makaraang maisumite na sa pangulo ang niratipikahang budget ng Kongreso.
Gayunman, hindi magarantiya ni Belmonte ang pagpasa ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL ngayong taong ito.
Bagama’t naisalya na nila ito sa period of interpellations, mahabang proseso pa ang tatahakin nito bago tuluyang maipasa sa plenaryo.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)