Kabilang na din ngayon sa leading lady ni Coco Martin para sa pelikulang Ang Panday si 2016 Miss International Kylie Verzosa.
Dahil dito, dalawang beauty queens na ang makakasama sa pelikula ni Coco dahil maliban kay Kylie, leading lady din nito si Binibining Pilipinas International 2017 Mariel De Leon.
Ito ang kauna-unahang acting assignment ng dalawang beauty queens na parehong ma-i-inlove sa karakter ni Coco bilang Flavio sa Ang Panday.
Napahanga naman si Kylie dahil sa galing sa pag-arte at pagdidirek ni Coco na siyang direktor ng pelikula.