Kuntento ang Commission on Elections (COMELEC) sa itinakbo ng 2016 presidential elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista mas mababa ang bilang ng mga aberyang naitala sa eleksyon ngayon partikular sa mga pumalyang makina kumpara sa eleksyon noong 2010 at 2013.
Sinabi pa ni Bautista na wala rin silang naitalang failure of elections sa mga lugar na nakaranas ng bahagyang pagkaantala o karahasan.
80% turnout
Walumpung (80) porsyento ng mga botante ang nag-exercise ng kanilang karapatang bumoto.
Ito ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista ay tinatayang 44 na milyon mula sa 55 milyong Pilipinong nagparehistro para sa 2016 presidential elections kahapon.
Kasabay nito, ipinabatid ni Bautista na magsisimula mamayang alas-11:00 ng umaga ang official canvassing para sa pagka-senador at partylist representatives.
Para sa presidential at vice presidential race, sisimulan ng Kongreso sa May 23 ang official canvass.
Gayunman, mamomonitor naman ng publiko ang partial at unofficial result mula sa COMELEC transparency server.
VCMs
Isandaan at sampung (110) vote counting machines ang pumalya sa Caraga region sa kasagsagan ng botohan.
Ayon sa Commission on Elections, 25 VCM lamang ang dumating sa iba’t ibang bahagi ng Caraga.
Bigong dumating sa tamang oras ang mga makina na ala-10:00 kagabi nang i-byahe sa Butuan City mula Metro Manila.
Sa kabila nito, nakapaglatag naman ng contingency plan ang COMELEC sa naturang problema.
By Judith Larino | Drew Nacino