Kumpiyansa si Senate President Franklin Drilon na maihahabol nila na maipasa ang 2016 national budget bago ang Christmas break.
Ayon kay Drilon kukunsultahin niya ang Chairman ng Senate Committee on Finance na si Senator Loren Legarda ukol sa panukalang mahigit P3 trilyong pisong national budget na inaasahang matatangap nila ngayong linggo mula sa Kamara de Representantes.
Tiwala ang senador na sa kanilang pagsisikap sa pagbabalik ng sesyon ay maihahabol na maaprubahan ang national budget sa unang linggo ng Disyembre.
Sa kabila ito ng pansamantalang pagkaantala ng kanilang debate ng tatlong araw simula November 17 hanggang 20 dahil sa gaganaping APEC Summit kung saan holiday at walang opisina.
Inaaasahan na sa ikatlong linggo ng Disyembre ay makakarating na kay Pangulong Noynoy Aquino ang pinal na budget upang pormal na lagdaan ito.
Sa ngayon, abala rin ang mga senador sa paghahabol na maisabatas ang Bangsamoro Basic Law (BBL).
By Mariboy Ysibido