Ibinabala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang mas mainit na panahon sa mga susunod na araw.
Ito’y ayon sa Weather Bureau ay dahil sa posibleng pumalo ng hanggang 40 degrees celcius ang maitalang temperatura ngayong taon.
Ayon kay Analiza Solis, Senior Weather Specialist ng PAGASA napanatili ng Mindanao ang pinakamainit na temperatura bunsod ng El Niño phenomenon.
Dagdag pa ng PAGASA, mula Enero hanggang Abril, naitala ang pinakamainit na temperatura sa 38.6 sa General Santos City.
Dahil dito, sinabi ng Weather Bureau na posibleng ang taong ito ng 2016 ang maging isa sa mga pinakamainit na taon sa kasaysayan.
By Jaymark Dagala