Umaasa ang Malakanyang na nakalimutan na ng lahat ang naganap na 2016 Presidential Election.
Ito, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ay upang matanggap na ng mga hindi bumoto at hindi nag-endorso kay Pangulong Rodrigo Duterte na siya na ang pangulo ng bansa.
Sa ganitong sitwasyon anya ay tiyak na magkakaroon na ng pagkakaisa at kooperasyon ang bawat Pilipino na magbibigay daan upang tuluyan nang maglaho ang pro o anti government.
Nilinaw naman ni Roque na hindi nawawalan ng pag-asa ang Pangulo na makakamit din nito ang pagtanggap at pagsuporta ng kanyang mga kritiko sa pagpasok ng kanyang administrasyon sa ikatlong taon.
Sa Hulyo nakatakdang ihayag sa publiko ni Pangulong Duterte ang kanyang ikatlong State Of the Nation Address o ulat sa bayan hinggil sa mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng dalawang taon.