Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mahigit 3 Trilyong Pisong pambansang pondo para sa aniya’y tunay na pagbabago sa susunod na taon.
Sa ilalim ng General Appropriations Act of 2017, Department of Education ang may pinakamalaking pondong nagkakahalaga 544 Bilyong Piso na siyang magbibigay daan sa pagtaas ng cash o chalk allowance ng mga guro sa 2000 Piso mula sa 1500 Piso.
Samantala, mabibiyayaan ng halos 150 Bilyong Pisong pondo ang Department of Health na maglalayong magpadala ng mga doktor sa mga liblib na lugar at pagtuunan ang pagbibigay ng universal healthcare.
Samantala, higit sa 128 Bilyong Piso ang nakatokang pondo para sa DSWD.
By: Avee Devierte