Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang 3.3 trillion pesos national budget para sa susunod na taon.
Sa isinagawang botohan para sa House Bill 3408, 243 congressmen ang pumabor sa budget habang lima naman ang tumutol at isa ang nag-abstain.
Ang botohan ay ginawa ng mga mambabatas sa huling araw ng kanilang sesyon kahapon bago ang kanilang recess ngayong araw.
Nagkaroon naman ng malaking pagbabago sa budget matapos ibalik ang kinaltas na alokasyon sa may 65 State Universities and Colleges o SUCS at government hospitals.
Sinasabing mas mataas ng 11.6 percent ang 2017 budget kumpara sa kasalukuyang 2016 budget.
Pasok naman sa top 10 agencies na may malalaking alokasyon ang DepEd, DPWH, DILG, DND, DSWD, DOH, SUCS, DOTr, DA at ARMM.
By Jelbert Perdez