Sinasabing pinakaligtas na taon ang 2017 para sa mga pampublikong sasakyang panghimpapawid batay sa ulat ng Dutch aviation consulting firm na To70 at Aviation Security Network.
Ayon sa report, walang naitalang casualty o nasawi bunsod ng mga disgrasyang kinasasangkutan ng mga commercial flights.
Gayunman, nakapagtala naman ng kabuuang tatlongdaan at tatlong (303) buhay ang nalagas sa mga naitalang aksidente sa himpapawid na kinasasangkutan ng mga cargo planes at iba pa.
Batay sa tala ng Aviation Security Network, aabot sa kabuuang labing anim (16) ang naitalang aksidente sa himpapawid kung saan sampu (10) dito ang kinabibilangan ng limang (5) cargo at limang passenger flights.