Monthly Archives
May 2025
Isinusulong sa Kamara ang pagpapatupad ng nationwide curfew para sa mga menor de edad sa buong bansa.
Layon ng House Bill 894 o Disciplinary Hours for Minors Act na akda ni Quezon 4th District Representative Helen Tan na magkaroon ng curfew upang mapanatili ang kaligtasan ng mga bata.
Naniniwala rin si Tan na sa pamamagitan ng naturang panukalang batas ay mailalayo ang mga kabataan sa masasamang bisyo at krimen.
Sa ilalim ng naturang proposed bill, ipagbabawal na gumala, maglibot o manatili sa lansangan ang mga batang labing pitong (17) taong gulang pababa nang walang kasamang nakatatanda sa pagitan ng alas-10:00 gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Sa unang pagkakataon na mahuhuli ay sasailalim sa counselling ang bata at kanyang magulang o guardian habang sa ikalawang pagkakataon ay community service ang kakaharapin ng bata.
Ngunit sa ikatlong pagkakataon na mahuli ay maaaring pagmultahin o kaya naman ay ikulong na ang nagpabayang magulang.
By Rianne Briones
Nationwide curfew sa mga menor de edad isinusulong was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Inilikas ang mahigit sa kalahating milyong residente sa dalawang bayan sa Bangladesh bunsod ng pananalasa ng bagyong Mora.
Paralisado ang operasyon ng maraming establisyemento sa lugar kabilang na ang mga paliparan, pantalan at maging ng mga kalsada dahil sa pagtumba ng mga puno.
Ayon sa Disaster Management Department ng Bangladesh, halos apat na libong (4,000) relief centers ang kanilang inilagay.
Binuksan din ang mga paaralan gayundin ag iba pang mga gusali upang magsilbing pansamantalang tahanan ng mga evacuees.
By Jaymark Dagala
Bangladesh naparalisa bunsod ng pagtama ng malakas na bagyo was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Wala nang dahilan ang koponang San Miguel Beermen para matalo pa sa kanilang huling dalawang laro.
Ito’y sa harap na rin ng mahigpit na agawan ng Beermen at ng Blackwater Elite sa dalawang twice to beat incentive sa quarterfinal round ng PBA Commissioners’ Cup.
Maghaharap mamayang hapon ang dalawang koponan na susundan namang ng sagupaan sa pagitan ng Alaska Aces at ng Star Hotshots.
Sakaling mapataob ng Beemen ang Elite mamaya, tiyak na makaharap nito ang GlobalPort sa Biyernes para sa pagtatapos ng elimination round.
By Jaymark Dagala
*PBA Images
Twice to beat incentive dapat habulin ng Beermen was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Arestado ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard o PCG ang isang hinihinalang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa Zamboanga City kahapon.
Kinilala ni Joint Task Force Zamboanga Commander Col. Leonel Nicolas ang suspek na si Kimhar Asusi alias Abu Kimar na tubong Bawisan, bayan ng Parang sa lalawiga ng Sulu.
Sinasabing nakihalo si Kimar sa mga pasahero mula Sulu na nagtungo sa Zamboanga ngunit nasukol ito makaraang mabigong magpakita ng kanyang ID o identification card.
Isa ang Zamboanga City sa iba pang mga lugar sa Mindanao na mahigpit na nagpapatupad ng no ID, no entry policy kasunod ng pagsasailalim sa kanila sa Martial Law.
By Jaymark Dagala
Hinihinalang Abu Sayyaf member arestado sa Zamboanga City was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Binatikos ng mga netizens si Presidential Communications Operations Office o PCOO Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa maling larawan sa isa nitong post sa social media.
Sa naturang post makikita ang hanay ng mga umano’y sundalo na nakayuko at nakaluhod habang taimtim na nagdarasal na nilagyan ng caption ni Uson na humihiling ng dasal sa publiko para sa kaligtasan ng mga ito.
Gayunman, sinabi ng ilang netizens na hindi naman mga Pilipinong sundalo ang nasa larawan bagkus ay miyembro ito ng Honduras Police.
Iginiit ng mga netizens na bilang opisyal ng gobyerno ay hindi ito dapat nagpapakalat ng tinawag nilang fake news.
Pumalag naman dito sa Mocha at inihirit na simbolismo lamang ang larawan at hindi niya binanggit na mga miyembro ito ng Philippine Army.
By Rianne Briones
Mocha Uson binatikos sa “fake news” post nito was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Hindi mangingiming ubusin ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang mga miyembro ng teroristang grupong Maute sa Marawi City sa Mindanao.
Ito’y ayon kay AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla ay kung patuloy na magmamatigas ang Maute na lumaban sa puwersa ng militar sa halip na sumuko.
Pagtitiyak pa ni Padilla, kontrolado na nila ang galaw ng mga bandido sa Marawi City at inaasahang matutuldukan na nila ang pamamayagpag ng mga ito sa susunod na linggo.
Kasunod nito, idinepensa rin ni Padilla ang ginagawang airstrike ng militar na aniya’y pinakamabisang paraan upang mabulabog ang mga bandido at mabilis na maparalisa ang operasyon nito.
Pagtitiyak ng AFP sa publiko lalo na sa mga residente ng Marawi na planado at mabusising pinag-aralan ang ginagawa nilang airstrike at hindi nila layunin na idamay ang mga sibilyan sa kanilang paglaban sa mga masasamang elemento.
By Jaymark Dagala
AFP sa Maute: Sumuko na kayo o mamatay was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Opisyal nang idineklara ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang panahon ng tag-ulan.
Sinabi ng PAGASA na ang naitalang buhos ng ulan nitong nakaraang limang (5) araw ang indikasyon na nag-umpisa na ang rainy season.
Ibinabala ng Weather Bureau na maaaring makaranas ng higit sa normal na pag-ulan sa susunod na dalawang buwan ng Hunyo at Hulyo.
Bukod dito, inaasahang magiging mas maulan ang rainy season ngayong taon kumpara sa nakaraang dalawang taon, kung kailan nakaranas ang bansa ng El Niño.
Sa pagtaya ng PAGASA, 19 hanggang 20 bagyo ang maaaring pumasok ngayong taon sa Philippine Area of Responsibility o PAR.
By Meann Tanbio
Panahon ng tag-ulan idineklara na ng PAGASA was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Natakdang magsagawa ng benefit concert ang international popstar singer na si Ariana Grande para sa mga biktima ng Machester terrorist attack sa June 4.
Makakasama ni Ariana sa naturang event ang iba pang mga artist tulad nina Katy Perry, Justin Bieber, Miley Cyrus, Pharrell, Coldplay at iba pa.
Lahat ng malilikom na pera ay ipagkakaloob sa mga survivor at mga pamilya ng nasawing biktima.
Matatandaang umatake ang isang suicide bomber sa gitna ng concert ni Ariana sa nasabing syudad na nagdulot ng pagkasawi sa 22 katao habang higit isang daan at limampu (150) naman ang sugatan sa insidente.
By Rianne Briones
Manchester benefit concert ni Ariana Grande itinakda na was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882
Umapela ang mga bihag ng Maute Terrorist Group kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang opensiba ng militar sa Marawi City at lisanin na ng mga sundalo ang Mindanao.
Ito ang inihayag ni Fr. Chito Suganob, Vicar General ng Prelature of St. Mary sa Marawi City na isa sa mahigit dalawangdaan (200) hawak ngayong bihag ng mga terorista.
Sa kumalat na video message ni Fr. Chito, naki-usap ito kay Pangulong Duterte na isipin ang kapakanan nilang mga bihag na ang tanging hangad lamang ay mabuhay pa.
PAKINGGAN: Bahagi ng video message ni Fr. Chito suganob na isa sa mga bihag ngayon ng Maute
Giit pa ni Fr. Chito sa kanyang video message, na dapat ding itigil na ang airstrike ng militar dahil sa wala aniyang mabuting maidudulot ang paggamit ng puwersa lalo’t handang mamatay ang grupo para sa kanilang ipinaglalaban
PAKINGGAN: Bahagi ng video message ni Fr. Chito suganob na isa sa mga bihag ngayon ng Maute
By Jaymark Dagala
Pagbawi sa opensiba ng militar vs. Maute ipinanawagan sa Pangulo was last modified: May 31st, 2017 by DWIZ 882