Tadtad pa rin umano ng mga pork barrel funds ang ipinasang pambansang pondo para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng 3.7 trilyong Piso.
Ayon iyan kay ACT Partylist Rep. Antonio Tinio, may mga mambabatas aniyang binigyan ng individual allocations ng house leadership para sa kanilang hard at soft projects, medical assistance at iba pang pondo para sa mga mambabatas.
Mahigit 20 aniyang mambabatas na hindi binigyan ng budget para magsilbing pondo nila sa kani-kanilang mga distrito o pinaglilingkuran.
Agad naman itong itinanggi ni House Committee on Appropriations Chairman at Davao Rep. Karlo Alexi Nograles dahil sa matagal nang idineklara ng SC o Supreme Court na labag sa batas ang pork barrel.
Hindi rin aniya maituturing na hidden pork barrel funds ang mga inilaan sa mga ahensya ng gubyerno dahil nagkataon lamang na ito’y ipatutupad sa ilang congressional districts.