Inaprubahan na ng Senado ang panukalang 2018 national budget.
Labing anim (16) na senador ang dumalo sa pagdinig at lahat ay bumoto ng “Yes”, habang walang bumoto ng “No” at nag– “Abstain”.
Inaasahan namang ang susunod dito ay ang paglikha ng magiging senate panel para sa Bicameral Conference Committee, kung saan ire – reconcile ang conflicting provisions sa naipasang version sa Kamara at sa Senado.
Ang naturang national budget para sa susunod na taon ay nagkakahalaga ng P3.767 – T.
Matatandaang sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na ang nasabing budget, na tumaas ng 12% mula sa 2017 budget, ay patuloy na susuportahan ang mga proyekto ng administrasyong Duterte.