Sinimulan nang talakayin sa plenaryo ng House of Representatives ang panukalang 3.7 trillion national budget para sa 2018.
Sa kanyang sponsorship speech, hiniling ni Congressman Karlo nograles, Chairman ng House Committee on Appropriations sa kanyang mga kasamahan na ipasa agad ang panukalang budget.
Kabilang sa mga kontrobersyal na nakapaloob sa panukalang budget ang mahigit sa isang trilyong pisong budget ng Department of Public Works and Highways dahil sa Build Build Build program ng pamahalaan.
Mahigit sa 89 na bilyong piso naman ang nakalaan para sa CCT o Conditional Cash Transfer, mahigit sa 145 billion ang para sa Department of National Defense, 172 billion ang para sa Department of Interior and Local Government at 131 bilyong piso para sa Philippine National Police kasama na ang sa Oplan Double Barrel.
By Len Aguirre / (Ulat ni Jill Resontoc)