Sinimulan nang talakayin sa Senado ang committee report kaugnay sa mahigit tatlong trilyong Pisong panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Kasunod nito, tiniyak ni Senate Finance Committee Chairman Loren Legarda na batay sa bersyon ng Senado, 40 Bilyong Piso ang nakalaang pondo para sa libreng edukasyon para sa mga nasa kolehiyo.
Bibigyan din ng dagdag na 10 Milyong Pisong pondo ang mga SUC’S o State Universities and Colleges habang mahigit 700 Milyong Piso naman ang nakalaan para sa Department of Education.
May nakalaan din aniyang pondo para sa tuluyang pagbangon ng Marawi City mula sa pananakop ng mga teroristang ISIS inspired Maute Group at may pondo rin aniyang nakalaan para sa sampung libong pisong bagong pulis.