Nagdadatingan na ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng militar at pulisya para sa taunang alumni homecoming ng Philippine Militar Academy o PMA sa Fort del Pilar sa Baguio City.
Ayon kay Lt. Col. Reynaldo Balido, Information Chief ng PMA, tinatayang aabot sa 2,000 PMA alumni ang dadalo sa nasabing pagtitipon na nagsimula nuong Pebrero 15 na tatagal naman hanggang bukas, Pebrero 17.
Panauhing pandangal sa taong ito si Enrique Razon Jr., ang chairman at CEO ng international container terminal services incorporated at nakatakda ring manumpa bilang miyembro ng PMA Alumni Association bilang adopted member ng Class 1988.
Maliban kay Razon, inaasahan ding dadalo sa naturang pagtitipon sina Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero, Navy Flag Officer in Command Joselito Bautista, Air Force Top Brass General Galileo Kintanar Jr., Philippine National Police o PNP Chief Ronald Dela Rosa, Defense Secretary Delfin Lorenzana at Department of Environment and Natural Resources o DENR Secretary Roy Cimatu.
(Ulat ni Jonathan Andal)