Opisyal ng nagtapos ang 2018 Winter Olympics sa Pyeongchang, South Korea.
Naging magarbo at makulay ang closing ceremony sa pamamagitan ng parada at fireworks display sa Pyeongchang Olympic Stadium.
Sa kabuuan ay 2,922 atleta mula sa 92 bansa ang lumahok sa naturang torneyo.
Nanguna naman sa medal tally ang Norway na umabot sa 39 na binubuo ng 14 na ginto, 14 na pilak at 11 tanso;
Pangalawa ang Germany na may kabuuang 31 o 14 na gold; 10 silver at 7 bronze habang pangatlo ang Canada na mayroong 29 na medal o 11 gold; 8 silver at 10 bronze.
Posted by: Robert Eugenio