Pormal nang nagtapos ang dalawang linggong Balikatan Exercises sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at Australyano para sa taong ito.
Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Banjamin Madrigal ang closing ceremony sa Kampo Aguinaldo kasama sina Balikatan 2019 Director Lt. Gen. Gilbert Gapay at Lt. Gen. Eric Smith, ang commanding general ng US 3rd Marine Expeditionary Force.
Sumentro ang dalawang linggong pagsasanay sa live fire, amphibious at land-based exercises na isinagawa sa ilang piling lugar sa bansa kabilang na ang lalawigan ng Zambales at Palawan na bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.
Magugunitang umalma kamakailan ang China sa isinasagawang pagsasanay ng mga Pilipino at Amerikano dahil sa indikasyon anila ito ng pagpapalala sa tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
Pero sa panig ng AFP Chief of Staff, iginiit nitong patuloy ang freedom of navigation sa bahaging iyon ng karagatan sabay giit na ang layunin ng pagsasanay ay para mapalakas ang kapasidad ng mga sundalo sa kanilang abilidad sa digmaan.
AFP Chief of Staff Benjamin Madrigal on WPS issue: “What we want is ‘yung continued freedom of navigation na nagagawa natin.” | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/HEhCLE17d0
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 12, 2019
Sa panig naman ni General Smith, iginiit nito na ang West Philippine Sea ay bahagi ng tinatawag na international waters kaya’t malaya silang makalipad at makapaglayag sa nasabing karagatan.
2019 Balikatan Exercises sa pagitan ng Amerika at Pilipinas, pormal nang nagtapos | via @jaymarkdagalapic.twitter.com/lZsvcOdgWZ
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 12, 2019
Balikan exercises hindi magpapalala sa tension ng Pilipinas at China
Tiniyak ng militar na hindi magpapalala sa tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China ang isinagawang Balikatan exercises sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at Australiano
Iyan ang reaksyon ni Philippine Balikatan 2019 Director Lt. Gen. Gilbert Gapay matapos mamataan ang isa sa mga barko ng US sa karagatang malapit sa Scarborough o Panatag Shoal na isa sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa panayam kay Gapay sa pagtatapos ng Balikatan exercises 2019 sa Kampo Aguinaldo ngayong araw, sinabi ni Gapay na walang dapat ikabahala ang publiko hinggil dito
Dumami aniya kasi ang mga equipments na ginamit sa nasabing pagsasanay kaya’t namataan maging sa West Philippine Sea ang USS WASP na isa sa mga itinuturing na pinaka-advanced na war ship ng Amerika.
—-