Naitala umano nuong 2019 ang pinakamabagal na paglago ng ekonomiya sa loob ng 8 taon.
Ito ay batay sa datos ng research group na IBON foundation na naniniwalang malaki ang naging epekto ng mga palpak na patakaran sa ekonomiya ng administrasyong Duterte.
Ayon sa grupo hindi dapat isisi ng mga economic managers ng kasalukuyang administrasyon ang pagbagal ng ekonomiya sa pagkaantala ng pagpasa ng budget.
Anila, ito ay dahil tatlong taon nang bumabagal ang paglago ng ekonomiya at lalo pang babagal ito kapag ang mga patakarang ipatutupad ng gobyerno ay pabor lamang sa mga malalaking negosyante.