Inaasahang malalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 General Appropriations Act sa kalagitnaan ng Marso.
Ayon kay Department of Budget and Management o DBM Secretary Benjamin Diokno, nagsisimula na ang pag-imprenta sa tinatayang apat na volume ng ratified version ng naturang batas.
Posibleng abutin pa ito ng isang linggo bago maipadala sa Office of the President at DBM.
Samantala, nag hihintay pa rin ang DBM sa magiging ruling ng Comelec sa kanilang hirit na i-exempt ang malalaking proyekto ng gobyerno sa 45-day election ban.
Iginiit ni Diokno na masimulan sa lalong madaling panahon ang mga national project sa kapakinabangan na rin ng taong bayan.