Wala pang katiyakan kung matutuloy ang 2019 midterm elections.
Ito ang pangamba ni House Speaker Pantaleon Alvarez matapos isumite ng Consultative Committee kay Pangulong Rodrigo Duterte ang draft ng Federal Constitution na kanya namang ipinaubaya sa Kongreso.
Ayon kay Alvarez, bukod sa proposed national budget sa susunod na taon, maraming iba pang mahalagang panukalang batas ang target ipasa ng Kongreso kaya’t mahabang panahon ang kanilang kailangan upang pag-aralan ang draft.
Kinontra naman ni Senate President Tito Sotto III ang muling pinalulutang na no-el o no election scenario ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa 2019.
Ayon kay Sotto, makakansela lamang ang nasabing eleksyon kapag naamyendahan na ang konstitusyon.
Aniya, ang tanong dito ay kung handa na ang mga mambabatas partikular ang mga senador na amyendahan ang batas.
Una nang sinabi ni alvaRez na magiging mas praktikal kung hindi magkakaroon ng eleksyon sa 2019 para maging mas madali ang transition sa gobyerno.
Drew Nacino / Rianne Briones