Aminado ang Department of Finance (DOF) na malaki ang epekto sa mga proyekto ng gobyerno ang hindi pa ring napipirmahang national budget para sa taong ito.
Ayon iyan kay Finance Asst/Sec. Tony Lambino ay dahil sa pinag-aaralan pa rin ng Department of Budget and Management (DBM) ang isinumiteng kopya ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Lambino, kabilang sa mga maaapektuhan nito ay ang mga proyektong pangimprastraktura na dapat sana’y nasimulan na sa unang bahagi ng taon o mula Enero hanggang Marso.
Apektado rin aniya ang projection ng pamahalaan para sa paglikha ng mga trabaho at naantala rin ang pamamahagi ng pantawid pasada cash card gayundin ang pagpapatupad ng universal health care law.
Batay sa pagtaya ng National Economic and Development Authority (NEDA), nasa 2.1 hanggang 2.8 percent reduction ang epekto nito sa economic growth ng bansa sa taong ito.