Pina-deport ng Malaysia ang nasa 202 Pinoy pabalik sa bansa.
Ayon kay Ivan Eric Salvador, Department of Social Welfare and Development – Regional Information Officer (DSWD-RIO), karamihan sa mga pinauwi ay residente ng Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, habang ang iba naman ay residente sa Visayas at Luzon.
Sinabi ni Salvador na tinutulungan ng ahensya ang mga deportees na makarating ng Zamboanga City sakay ng barko.
Bukod dito pagkakalooban din umano ng DSWD ng transportation allowance at iba pang pangangailangan.