Inaprubahan ng Senate Committee on Finance ang 147 billion pesos na pondo ng Department of Transportation o DOTr para sa susunod na taon.
Ang nasabing pondo, ayon kay Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian ay isusumite na sa plenaryo para sa kaukulang deliberasyon.
Humirit pa si Transportation Secretary Arthur Tugade ng dagdag na 1.2 billion pesos na pondo para sa 13 aviation projects at sakop nito ang night rating para makapagpatuloy ng operasyon ang ilang paliparan tuwing gabi.
Anya, importante ito hindi lamang pagdating sa mobility kundi maging sa turismo at seguridad ng bansa.
Inaprubahan ng Senado ang nasabing hirit na dagdag pondo kaya’t halos doble ang itinaas ng pondo ng DOTr para sa susunod na taon.