Umapela ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa publiko na makipagtulungan para sa nakatakdang 2020 Census of Population and Housing (CPH).
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, nakatakdang simulan ng mga tauhan ng PSA ang pangongolekta ng mga datos sa pamamagitan ng census sa Setyembre 1.
Iginiit ni Mapa, mahalaga ang pagsasagawa ng CPH sa pagsasaayos at pagpapatupad ng ilang mga programa lalo na sa panahon ng pandemiya.
Aniya ang mga makukugang datos sa census ay maaaring magamit na batayan ng gobyerno para masolusyonan ang mga problemang panlipunan.
Tiniyak naman ni Papa na susundin ng kanilang mga tauhan ng PSA na magsasagawa ng census ang physical distancing.