Ipinababawi ni House Deputy Speaker for Finance, Luis Raymund Villafuerte, ang 2020 General Appropriations Bill na inihain sa plenaryo.
Ayon kay Villafuerte, premature ang paghahain ng panukalang budget sa plenaryo dahil hindi pa tapos mag prisinta sa House Committee on Appropriations ang lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Sinabi ni Villafuerte na hindi pwedeng gawing excuse na baka maulit ang nadelay na budget para ngayong 2019 para i-shorcut ang proseso ng pagpasa ng budget.
Target ng Kamara na maipasa ang panukalang 2020 budget at maipasa ito sa senado sa October 4 bago magrecess ang kongreso.
House Committee on Appropriations chief, umalma
Umalma ang chairman ng House Committee on Appropriations sa pagbawi ni Cong. Luis Villafuerte sa inihain nyang 2020 General Appropriations Bill (GAB) sa plenaryo.
Ayon kay Cong. Isidro Ungab, hindi maituturing na ‘premature’ ang paghahain nya ng 2020 GAB dahil mahalaga ito para makapagsagawa sila ng pagdinig sa panukalang budget.
Sinabi ni Ungab na patapos na sila ngayong linggong ito sa mga isinasagawang briefings kaya’t dapat lamang na maihain na ang GAB upang mapa-imprenta na ito.