Inaasahang aaprubahan na ngayong araw ng Kamara ang 4.1-T proposed 2020 national budget.
Nakatakda itong isalang sa huli at ikatlong pagbasa pagkatapos ng budget delibiration ng dalawa pang ahensya.
Pagkatapos ay isusulong ito sa turno el contra at isasalang rin sa period of amendments.
Inaasahang magiging mabilis na lamang ang magiging botohan hinggil dito.
Samantala, tiniyak naman ni House Majority Leader Martin Romualdez na naka angkla ang budget sa pangangailangan ng mga Pilipino. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)