Isinumite na ng Department of Budget and Management (DBM) sa kamara ang National Expenditure Program (NEP) para sa taong 2020.
Ang panukalang P4.1 –T budget para sa susunod na taon ay 12% mas mataas sa 2019 budget na nasa P3.7-T.
Priority pa ring pinaglaanan ng pondo para sa 2020 ang mga imprastruktura para mas makaakit pa ng maraming investors, pagpapalakas ng anti-poverty programs gayundin ang pagbibigay ng maraming trabaho.
Partikular dito ang K-12 program, universal access to quality tertiary education act, unconditional cash transfer program, risk resiliency program at coastal resource management program.
Sa isang seremonya, tinanggap ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang NEP mula kay DBM Acting Secretary Wendel Avisado.