Pipilitin ng Kamara na maratipikahan ang bicameral conference committee report ng P4.1-trillion 2020 national budget, bukas.
Ayon kay House Committee On Appropriations Chairman Isidro Ungab, bukas ng umaga ay tatapusin na ang bicam para sa panukalang pondo para maratipikahan na ng dalawang kapulungan.
Sinisikap aniya nilang mas maagang maaprubahan ang budget para maisumite na ito sa Pangulong Rodrigo Duterte upang malagdaan at tuluyang maging batas.