Posibleng maagang ma-aprubahan ang P4.1-T na proposed 2020 national budget.
Ito’y ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson ay kung totoong nasa P9.5-B lamang ang re-alignment ng Kamara sa ilang ahensiya ng gobyerno.
Ayon kay Lacson, kung mapapatunayan na nasa mahigit P9-B lamang ang re-alignment ng mababang kapulungan ng kongreso, ay posibleng mapaaga ang pagpasa sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Aniya, maari rin niyan irekumenda ang inaprubahang bersiyon ng Kamara kung wala nang iba pang re-alignment o insertions ang Kamara.
Una rito, ini-anunsiyo ng liderato ng kamara na P9. 5-B lamang ang halaga ng kanilang ini-realign sa ibang ahensiya ng gobyerno kagaya na lamang National Food Authority (NFA), Dept. of Health (DOH) at Dept. of Education (DepEd).
Paliwanag ni Lacson, mukha namang institutional ang naturang re-alignment, kaya’t kung papayagan siya ni Senate President Vicente Sotto III at ng iba pa niyang kapwa senador ay nais niyang i-adopt na lamang ang house version ng proposed national budget. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)