Naglabas na ang Department of Education (DepEd) ng guidelines para sa summer classes.
Ito’y kung saan hinihikayat ang mga paaralan na magpatupad ng “distance learning” habang nagpapatuloy ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.
Nakasaad sa guidelines na magbubukas ang remedial, enrichment at advancement para summer 2020 sa Mayo 11.
Sa ilalim ng distance learning ay pansamantalang mababasawan muna ang face-to-face interaction sa pagitan ng mga estudyante at mga guro.
Tuturuan ang mga bata sa pamamagitan ng printed materials o online platforms.