Iminungkahi ni Quezon City Representative Alfred Vargas sa gobyerno na gamitin ang calamity fund sa ilalim ng 2021 Internal Revenue Allotment (IRA).
Ito aniya ay upang matugunan ang pangangalaingan ng bawat local government units (LGUs) sa gitna ng banta ng coronavirus diease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay Vargas, dati nang ginawa sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pauna nang paggamit ng IRA na nakatakda pa sana para sa susunod na taon.
Paliwanag pa nito, maaaring gamitin ng LGU ang 5% bahagi ng calamity fund sa IRA makaraang isailalim sa state of calamity ang Pilipinas, salig na rin ng Section 21 ng Republic Act 10121 na lumilikha sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Malaking tulong aniya kung magagamit ang bahagi ng naturang pondo bilang tugon sa pangangailangang medikal para mapigilan ang pagkalat ng virus.