Inanunsiyo ng National Telecommunications Commission (NTC) na tumaas ng mahigit tatlong bilyong piso ang collection target sa buwan ng Disyembre taong 2021.
Nabatid na umabot sa mahigit 9 billion pesos ang actual collection ng NTC kumpara sa collection target nito na mahigit 5 billion pesos.
Ayon kay NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, lumagpas sa kanilang target ang naging koleksiyon kung saan, ito na ang ika-anim na sunod na taon ng pagtaas sa tulong nadin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ilalim ng administrasyong Duterte.—sa panulat ni Angelica Doctolero