Tiniyak ni House Speaker Lord Allan Velasco na walang isiningit na ‘pork’ sa higit P4-T panukalang budget para sa susunod na taon.
Ito’y matapos na maaprubahan nitong Biyernes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang budget kasabay ng huling araw ng ipinatawag na special session ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mababatid na kabilang sa mga ahensya ng pamahalaan ng makatatanggap ng mataas ng alokasyon ay ang DepEd na may higit P700-B, DPWH na may P647-B, DILG na may aabot sa P250-B.
Magugunitang siniguro na ni ACT-CIS Partylist Representative Eric Yap, na chair ng committee on appropriations ng Kamara na hindi ‘pork’ ang isisingit sa amendments, sa halip ay karagdagang pondo ng mga nangangailangang ahensya para sa pagtugon nito kontra COVID-19 gaya ng health department.