Umaasa ang Malakanyang na maisusumite na ng kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang bersyon ng 2021 national budget, bago ang ikalawang linggo ng Disyembre.
Ayon Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang ehekutibo na pag-aralan at mapagpasiyahan ang mga items na maaaring i-veto.
Paliwanag ni Roque, dapat maagang maisumite ang 2021 national budget dahil kinakailangan ng line-by-line analysis sa proseso ng pagsusuri nito.
Binigyang diin pa ng kalihim na matitiyak na hindi magiging re-enacted ang national budget sa susunod na taon kung maisasabatas ito sa oras.