Tiwala ang Malakanyang na maipapasa sa ikatlo at pinal na pagbasa sa kamara ang 2021 National Budget sa Biyernes.
Ito’y sa kabila ng nangyaring sigalot sa pagitan ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kaugnay sa term sharing para sa pagka-house speaker.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ngayong nagkaayos na sina Velasco at Cayetano ay mapo-pokus na ang atensyon ng lahat sa usapin sa budget.
Samantala, umaasa rin si Budget Secretary Wendel Avisado na walang magiging problema sa pagpasa ng 2021 budget sa Biyernes.
Aniya mahalagang mabigyan ito ng atensyon lalo’t may krisis na kinahaharap ngayon ang bansa dahil sa COVID-19.