Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2021 national budget sa Davao City sa December 28, 2020.
Aabot ang panukalang pondo sa P4.506-T para sa susunod na taon.
Ang sektor ng edukasyon ang nakatanggap ng malaking alokasyon na nasa P708.2-B, kasunod ang Department of Public Works and Highways na nasa P694.8-B.
Ang sektor naman ng kalusugan ay nakatanggap ng alokasyong nasa 287.47 billion pesos, kabilang ang P72.5-B na COVID-19 vaccines.
Una nang sinabi ng Palasyo na gagamitin ni Pangulong Duterte ang kanyang veto powers kapag may nakita siyang kwestyunableng probisyon sa panukalang budget bago niya ito pirmahan.