Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 2021 national budget.
Nagkakahalaga ito ng P4.5-T kung saan nakatuon sa pagbangon ng Pilipinas mula sa naging epekto ng pandemya bunsod ng COVID-19 at pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi ng Pangulo sa kaniyang talumpati na pinatutunayan lamang nito ang maigting na koordinasyon sa pagitan ng ehekutibo at lehislatura alang-alang sa kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino.
The prompt ratification of the 2021 national budget is a testament of our commitment to set aside divisive parties and politics, indeed that is crucial junction in our history, we can no longer acquire to engage in politics of division here and finger pointing,” ani Duterte.
Ipinunto rin ng Pangulo ang kahalagahan ng mahigit P72-B inilaan sa pagbili, pag-iimbak at distribusyon ng COVID-19 vaccine.
Kasabay nito tiniyak ng Pangulo na gagamitin ng administrasyon sa tama ang lahat ng resources nito para matugunan ang epekto ng pandemya sa bansa.
As we look forward with the hope for the coming year let me assure the public, that this administration will ensure the efficient use of resources, resound fiscal policy that will enable us to overcome the debility effects of the pandemic on public and economy,” ani Duterte.
Samantala, pinakamalakaking bahagi ng pondo ay inilaan para sa edukasyon, sinundan ng imprastraktura habang ikatlo naman ang kagawaran ng kalusugan.