Tiniyak ng Malakanyang na sisikapin ng administrasyon na maisabatas sa takdang panahon ang 2021 national budget.
Gayunman sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi ibig sabihin nito ay makokompromiso na ang kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabusisi ang nilalaman ng panukalang pondo.
Mahalaga pa rin aniya na masuri itong mabuti at matiyak na ang lahat ng nakapaloob sa ilalaang pondo ay alinsunod sa konstitusyon.
Tiyak umanong hindi mag-aalinlangan ang Pangulo na gamitin ang kaniyang kapangyarihan na mag veto kung kinakailangan.
Miyerkules, Disyembre 9 nang ratipikahan ng 2 kapulungan ng kongreso ang pinal na bersyon ng 4.5-T 2021 national budget.