Nilagdaan na ni House Speaker Lord Allan Velasco ang final cop ng panukalang 2021 national budget para sa susunod na taon bago pa man isumite sa Pangulong Rodrigo Duterte.
Makikita sa ibinahaging litrato ni House Committee on Appropriations Chair Eric Yap sa kanyang Instagram account ang pagpapapirma ng kongresista sa 2021 budget bill kay Velasco.
Bukod sa lagda ni Velasco, kailangan din ng pirma ni Senate President Vicente Sotto III bago maiakyat ang budget bill sa opisina ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Nauna nang sinabi ni Velasco na ang 2021 national budget ay ang single most powerful too para matugunan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic at matulungan ang mga Pilipino at ang ekonomiya na makabangon sa epekto nito.
Nakapaloob sa pinal na bersyon ng 2021 budget bill ang P72.5-bilyong regular at unprogrammed funds para sa COVID-19 vaccine procurement, storage at distribution sa 2021.
Nasa P23-bilyon din ang na realign na pondo para sa rehabilitasyon naman ng mga komunidad na apektado ng mga malalakas na bagyo sa mga nakalipas na mga buwan.
Pagdating sa alokasyon kada sektor, ang education sector ang siyang nakatanggap pa rin ng pinakamalaking pondo sa susunod na taon na nagkakahalaga ng mahigit P70-bilyon.
Sinunduan ito ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na may halos P700-bilyon.