Target ng Senado na maipasa sa unang linggo ng Disyembre ang P4.5-T national budget bill para sa susunod na taon.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, December 6 ang nakikita nilang ideal date para ganap na maratipikahan ang panukalang pambansang pondo.
Pahayag ng Senador, tiyak aniya na kapag di nila naipasa sa itinakdang araw ang 2021 budget bill, siguradong hindi sila pababakasyunin ni Pangulong Duterte hangga’t hindi ito naipapasa.
Matatandaang, sabado ng umaga kahapon, isinara na ng senado ang period of interpellation para sa proposed P4.5-T national budget.
Sinimulan ng mga senador ang kanilang marathon sessions at mga debate noon pang nakalipas na Lunes na madalas na natatapos ng alas-dose ng hatinggabi.