Hindi tatanggapin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang re-enacted budget para sa taong 2021.
Ayon ito sa Malakaniyang sa gitna na rin nang girian sa speakership sa kamara nina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Congressman Lord Allan Velasco.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kinakailangang mapirmahan ang budget sa Disyembre para maging sa January 2, 2021.
Magugunitang ilang beses inihayag ng Palasyo na hindi maaaring maantala ang pagpasa sa P 4.5 trilyong proposed 2021 budget dahil nakapaloob dito ang recovery at rehabilitation plan ng gobyerno sa COVID-19.