Kanselado ang 2021 World Triathlon Sprint and relay championships bunsod ng COVID-19 surge sa Bermuda Islands.
Nakatakda sana sa Oktubre15 hanggang 17 ang torneyo pero ipinagpaliban matapos makapagtala ng 4,218 COVID-19 cases at 38 deaths sa naturang lugar.
Ito, ayon sa World Triathlon at Bermuda local organizing committee, ay upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng ateltang kalahok.
Ang nasabing hakbang ay alinsunod sa rekomendasyon ng World Health Organization. —sa panulat ni Drew Nacino