Magiging isang full medal event na ang eSports sa 2022 Asian Games.
Sinasabing ito ang napagdesisyunan sa general assembly ng Olympic Council of Asia kung saan kasama na ang eSports at breakdancing sa programa sa Games na gaganapin sa Septembre 2022 sa Hangzhou, China.
Una rito, inaprubahan na rin ang breakdancing, skateboarding, surfing at sport climbing para sa Paris 2024 Olympics.
Matatandaang naging sikat na demonstration event ang eSports sa 2018 Asian Games noong Jakarta habang ginawa naman itong isang medal sport sa Southeast Asian Games sa Pilipinas noong nakaraang taon.