Gagamit na ng mga robot ang mga organizer na kikilos para sa 2022 Beijing Winter Olympics na gaganapin sa susunod na buwan.
Ito ay para maiwasan ang interaksiyon at hawahan ng COVID-19 sa mga atleta, coaches at mga staff sa naturang kompetisyon.
Magsisimula ang multi-sporting event sa Pebrero a-kuwatro hanggang a-bente kung saan, tampok dito ang 109 na aktibidad.
Samantala, hindi naman papayagang makalahok ang mga atletang hindi bakunado habang ang mga vaccinated athletes naman ay isasailalim sa 21-days quarantine.—sa panulat ni Angelica Doctolero