Inilabas na ng Philippine Postal Corporation ang Christmas 2022 postage stamps.
Ang naturang stamps ay may temang “unity, faith and prosperity,” na nagpapakita ng pagpapahalaga at tradisyon ng mga Pilipino sa holiday season.
Ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio, sa kabila ng mga pagsubok ng buhay, ay laging handa ang mga Pinoy na salubungin ang araw ng pasko ng may galak sa puso.
Aabot sa 40,000 na kopya ang inilimbag ng PHLPost para sa apat na magkakaibang disenyo ng stamp na nagkakahalaga ng 12 pesos kada isa.